Create group freedom wall in your e-portfolio.
Each member of the group will express their freedom, feeling or insight by writing anything on your group freedom wall.
Example: What you have learned, feed back or something need for improvement.
Atanacio - Hi po, sir! Advanced Merry Christmas po! Nappreciate ko po 'yung effort niyo na turuan kami. 'Yung effort niyo po na gumawa ng mga palaro para mabuhay yung mga dugo namin sa klase. Thank you po kasi pinapakinggan niyo po 'yung mga suggestions naming magkakaklase. Thank you rin po kasi alam ko pong ginagawa niyo 'yung best niyo para matuto kami. Sana po ay magkaron po tayo ng visuals next year kasi po medyo mahirap mag compute ng walang visuals. 'Yun lang po, sir. More power pa po sa inyo. Stay safe po kayo and your family.
Yamamoto - Hello po, sir. Advance Merrry Christmas at New Year po, sir. Entertaining po 'yung discussion ng chem dahil po 'yung method niyo po ng pagtuturo ay active katulad na lang po 'yung paunahan sumagot sa recit. Mas nagaganahan po kasi ako pag ganon (yung laptop ko lang po ayaw makisama kaya di po ako makasagot minsan hahaha). Thank you po, sir at naging teacher po kita. God Bless po, sir.
Go - Hi po, sir. Thank you po sa pagturo sa'min sa chemistry kahit minsan po hindi kami nakakarespond hahaha. Naging masaya naman po kami sa mga oras ng pagtuturo niyo kahit minsan po hindi na po namin alam pinagsasabi niyo hahaha pero naiintindihan naman po namin sa huli. Salamat din po sa laging pag-extend ng activities na ginawa niyo. Suggestion lang po, 'wag niyo po pagsabayin lahat ng gawain hahaha nag-papanic po kasi 'yung iba. 'Yun lang po salamat po ulit, sir and Merry Christmas.
Erasga- Happy Holidays po, sir. Thank you po sa pagtuturo even though we're facing a lot of problems po. Naenjoy ko/namin ang mga lessons niyo at marami po akong natutunan siguro dahil sa umaapaw na examples and activities hehe. Sana po ay magpatuloy pa ang biyaya sa inyo ng Diyos at sa inyo pong pamilya. Thank you po ulit.
Ramos - Hi po, sir. Salamat po sa effort na binigay niyo sa pagtuturo sa'min ng chem. May mga times po na mahirap intindihin 'yung topics pero nagiging patient pa rin po kayo sa pagtuturo. Sana sir 'di kayo mainis sa'min 'pag minsan walang nasagot or feeling niyo sir kakaunti nakikinig. Tinatry po namin ang best namin para sa subject kaya goods lang sir hahaha. Happy Holidays po, sir. Labyu!
Mercado - Maraming salamat po sir sa effort ng pagtuturo samin kahit na mahirap ang sitwasiyon ngayon sa online na modality. Na-appreciate ko po lahat ng tiyaga mo sir sa pagtuturo ng lesson. Kahit na minsan nahihirapan po ako sa lessons at activities, nagiging considerate po kayo at malaking bagay po iyon para sa amin. Hindi man po ako active sa recitation pero sinusubukan ko talaga intindihin para makasabay ako kapag nagkaroon ng quiz or activity. Maraming salamat po, naging memorable po yung experience ko sa online classes dahil sa mga teachers na tulad mo. Sana ay maging maganda ang dating ng 2021 at sana patuloy mo pa po kaming matulungan at maturuan sa Chemistry kasi madadala namin lahat ng tinuro mo sa future. Thank you po, sir.
Dimaano - Hello po, sir. Kung tatanungin po ako kung ano ang mga natutunan ko po sa inyong mga naituro, masasabi ko lang po na madami akong natutunan. 'Yung mga lessons na hindi ko po naintindihan noong junior high po ako, sa inyo ko lang po lubos na naunawaan at nalinawan din po ako sa mga katanungan ko lalu na po sa lesson ng mole concept at stoichiometry. Mas naging madali po para sa akin ang pagsosolve nung ikaw po ang nagturo. Natutuwa po ako sa approach or method niyo po ng pagtuturo lalu na po at online class. Nakikita ko po 'yung efforts niyo po para lamang po masiguro na lahat kami ay makakasabay sa mga itinuturo mo po sa chemistry. Sana po ay manatili ang ganoong pamamaraan mo po ng pagtuturo para palagi pong ganahan ang mga estudyante sa pagsasagot. Suggest ko lang po sir na medyo bagalan po ang pagtuturo para na rin po sa iba. Gustuhin man po nilang makipagsabayan, hindi po nila magawa dahil po sa wala na silang maintindihan hehe. 'Yun lamang po, sir. Advance Merry Christmas po and Happy New Year. Ingat po kayo palagi at God Bless you po.
Cahinde - Hello po, sir. Advance Merry Christmas po. Nag-enjoy po ako sa klase natin tsaka madami rin po natutunan kahit nakakalito po yung ibang activities. Suggestion ko lang po ay medyo dagdagan po ng time kapag may recitation po lalo na po kapag may kailangan lang po i-compute. 'Yun lang po, sir. God Bless po.
Ibañez - Good day sir so thank you po sa paulit-ulit na pagtuturo samin kahit po na minsan ay mabilis po kayong magturo haha. Pero naiintindihan naman po namin dahil limited lang po 'yung time natin and also naa-appreciate rin po namin yung palagi niyo pong pagtatanong samin kung naiintindihan po namin yung lesson niyo and thank you po sa palaging pagbibigay ng extension sa mga activities. Sana may extension parin po sa susunod. Thank you po.
Mendoza - Hi sir magandang araw po! naging masaya po ako sa class sessions natin at may mga natutunan naman po ako sa inyo pero ang pinaka di ko po malilimutan ay 'yung balancing chemical equation dahil dun po ako medj naluka HAHAHAHAHA. Ang suggestion ko lang po is atras po kayo ng beri beri light kasi masyado po kayong malapit sa laptop niyo baka po lumabo ang inyong eyes at para na rin po makita ka namin, sana din po bagalan niyo rin po ng beri beri light yung pagsasalita niyo hehe. Hindi po kasi ako fast learner pero nakakasunod naman po ako sa mga discussions at activities. Yun lang po sir Merry Christmas po and Happy new year!! Ingat po lagi.
Ursula - Hi po sir. Maraming salamat po sa pagtuturo. Na-enjoy ko po 'yung class session natin at marami po akong natutunan. Sir may suggest lang po ako, pwede po ba kayong gumamit ng white board para ipakita yung solution? Minsan po kasi hindi ako makasabay magvisualize sa pagdidictate niyo ng solution. Nahihiya rin po kasi ako magsabi sa inyo kaya hinayaan ko nalang. Sana po maintindihan niyo, hindi po ako fast learner tulad ng iba ko pong kaklase. Advance Merry Christmas and Happy New year po, sir.
Peñaflor - Hello po, sir. Happy Holidays po. Maraming salamat po sa time and effort na binibigay niyo sa'min para matuto kahit na mahirap yung situation ngayon gawa ng pandemic. Naa-appreciate po naming lahat ang pagtuturo niyo kahit minsan medyo nabibilisan kami. Salamat din po kasi considerate kayo and nag-aadjust kayo 'pag nahihirapan kami. Thank you po ulit, sir. God Bless po.
Enjoy your holiday break!
-Group Silver
Comments